Pro-Duterte pages at marami pang accounts isinara ng Facebook dahil sa paglabag
Aabot sa 95 pages at 39 na accounts sa Pilipinas ang isinara ng Facebook dahil sa pagiging spam at paglabag sa authenticity policies.
Sa statement ng Facebook, ang mga isinarang pages at accounts ay humihikayat sa mga FB users na bumisita sa mga low quality websites na nagtataglay ng mga ads.
Kasama sa inalis ng Facebook ang mga pro-Duterte pages at accounts na Duterte Media, Duterte sa Pagbabago Bukas, DDS, Duterte Phenomenon at DU30 Trending News.
May inalis ding page na “Manang Imee” na nagpopost ng pagsuporta kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos.
Ayon sa Facebook tuloy ang monitoring nila sa mga pag-abuso kabilang ang mga spam behavior at tiniyak na magbubura at magsasara sila ng mga accounts at page na lumalabag sa polisiya.
Maliban sa pro-Duterte pages inalis din ang mga page na may account name na Bossing Vic, Pilipinas Daily News, at Like and Win.
Isa sa 95 pages na inalis ng FB ay mayroong 4.8 million na followers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.