Pagpapawalang-bisa ng amnestiya kay Trillanes may pag-asa pa – Malakanyang
Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na hindi pa tapos ang laban para mapawalang bisa ang amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV dahil sa kasong kudeta.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang legal effect ang desisyon ng Makati Regional Trial Court.
Malinaw aniya sa desisyon ni Judge Andres Soriano na saklaw ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakasaad sa Proclamation 572 na may legal remedies pa ang kaso.
Una rito sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi pa dapat na magbunyi si Trillanes dahil kauumpisa pa lamang ng laban.
Hamon ni Guevara kay Trillanes, magkita na lamang sila sa Supreme Court.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.