Cessna plane nakaranas ng engine trouble sa Ilocos Sur

Candon City Police

Kinailangang mag-emergency landing ng isang Cessna plane sa lungsod ng Candon sa Ilocos Sur kahapon ng umaga.

Ayon sa Candon City Police, nakaranas ng engine trouble ang naturang eroplano.

Sakay ng Cessna plane ang pilotong nakilalang si Captain Michael Atienza at kasamang student pilot na si Eric Blanco.

Nabatid na mula sa Vigan City sa Ilocos Sur ang eroplano at nakaranas ng aberya habang papabalik na sa San Fernando City sa La Union.

Kapwa nasa ligtas na kundisyon sina Atienza at Blanco.

Read more...