Truck na puno ng buhangin, bumangga sa pader ng PSG compound sa Nagtahan Bridge

12189876_1068131389897908_1552705701483259979_n
Kuha ni Ruel Perez

Sugatan ang driver ng isang 14-Wheeler truck matapos itong bumangga sa pader ng compound ng Presidential Security Group sa Nagtahan Bridge sa Maynila.

Nagana pang aksidente, pagbaba lamang ng southbound lane ng Nagtahan Bridge.

Dahil sa aksidente, sugatan ang driver ng truck na nakilalang si Lexter Garung-24 anyos na nagtamo ng sugat at galos sa kaniyang paa at binti. Ligtas naman ang dalawang pahinante nito.

Ayon sa mga pahinante, nawalan ng preno ang truck na may plate number na RGA 728 at pag-aari ng Federico So Builders and Development Incorporated.

Sa halip na madamay ang iba pang motorist ay nagpasya ang driver na sa pader na lamang ibangga ang truck.

Nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko ang nasabing aksidente.

Read more...