P200K nakapatong sa ulo ng pumaslang sa kandidato sa pagka-konsehal sa Nueva Ecija

By Justinne Punsalang October 23, 2018 - 03:01 AM

Marilyn Galang/PNA

Naglaan ng P200,000 pabuya si San Antonio, Nueva Ecija Mayor Arvin Salonga sa ikadarakip ng salarin sa pamamaslang sa isang kandidato sa pagka-konsehal sa lugar.

Hiniling din ni Salonga sa pulisya na pabilisin ang imbestigasyon sa pagpatay kay Allan Joson.

Aniya, habang tumatagal ay lalong lumiliit ang tsansa na mareresolba ang kaso.

Biyernes ng hapon nang pagbabarilin si Joson ng hindi pa nakikilalang salarin sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Barangay Julo.

Sa ngayon ay bumuo na ng special investigation task group (SITG) ang Nueva Ecija Police na silang tututok sa imbestigasyon sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.