Tañada suportado ang pagsasagawa ng independent investigation sa Sagay massacre

By Justinne Punsalang October 23, 2018 - 02:45 AM

Nais ni dating Deputy Speaker Erin Tañada na agad nang mahuli ang mga nasa likod ng pamamaslang sa siyam na mga magsasaka sa Hacienda Nene sa Sagay City, Negros Occidental.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tañada na nakagagalit na pinaslang ang mga mahihirap na magsasakang gusto lamang magkaroon ng sariling lupa.

Aniya, maraming ebidensya at witness at iba pang mga impormasyong makapagtuturo sa mga gunman.

Suportado rin niya ang pagsasagawa ng hiwalay na pagsisiyasat sa insidente, kabilang ang Commission on Human Rights (CHR), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang civil society groups.

Paliwanag ni Tañada, mahalaga ito lalo na’t mayroong mga alegasyong mismong ang mga pulis at militar ang nag-aakusa na konektado ang mga napaslang na magsasaka sa rebeldeng New People’s Army (NPA).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.