Excise tax sa produktong petrolyo pansamantalang susupindihin sa susunod na taon
Tuloy sa susunod taon ang pansamantalang suspensyon ng pagtaas ng oil excise taxes.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, suspendido muna ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa unang quarter ng 2019.
Pero nais ng Department of Finance (DOF) na agad itong ibalik kapag bumaba na ang presyo ng petrolyo.
Sa dokumento na galing sa ahensya, nais ng administrasyong Duterte ang agarang resumption ng implementasyon ng mas mataas na oil excise tax oras na bumalik ang average global prices sa USD80 kada bariles.
Sa budget hearing sa Senado ay sinabi ni Dominguez na dahil epektibo sa January 1, 2019 ang suspensyon ng excise tax sa mga petrolyo ay may sapat na panahon si Pangulong Rodrido Duterte na pag-aralan ang rekomendasyon ng kanyang economic team.
Magsasagawa ang DOF ng review 3 buwan makalipas ang excise tax suspension para alamin kung bumaba na ang presyo ng mga produktong petrolyo sa world market.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.