Hindi pagpapaaresto kay Trillanes nirerespeto ng pulisya

By Len Montaño October 23, 2018 - 01:18 AM

Iginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang desisyon ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 na pagbasura sa petisyon ng Department of Justice (DOJ) na arrest warrant at hold departure order (HDO) laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supterintendent Benigno Durana Jr., ang PNP, bilang isang law enforcement agency ay laging iginagalang ang desisyon ng korte.

Ilang araw na inabangan ang resolusyon ng korte sa hiling ng DOJ na ipaaresto at maglabas ng HDO laban sa senador dahil sa kaso nitong kudeta.

Inantabayanan ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang desisyon ni Judge Andres Soriano na nagsabing denied ang mosyon ng DOJ dahil napatunayan na nag-apply si Trillanes ng amenstiya at umamin ito ng guilt sa partisipasyon sa 2003 Oakwood mutiny.

Bagaman kinatigan naman ng korte ang Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagpapawalang bisa sa amnesty ng Senador, iginiit ng hukom na “immutable” na o hindi na niya pwedeng baguhin ang kanyang final at executory decision noong 2011 sa kaso ng mambabatas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.