Mga nakaligtas sa masaker sa Sagay City itinangging miyembro sila ng NPA

By Len Montaño October 23, 2018 - 01:16 AM

Itinanggi ng 3 nakaligtas sa masaker sa Sagay, Negros Occidental na mayroong mga baril ang kanilang grupo nang maganap ang pagpatay sa Hacienda Nene.

Ayon kuna Bobstil Sumikad, Rogelio Arguillo at Rene Manglangin, tatlo sa 16 na survivors, ang kanilang organisasyon na Negros Federation of Sugar Workers (NFSW) ay hindi nagdadala ng mga baril.

Pinabulaanan din ng tatlo na front sila ng mga rebelde o mga miyembro sila ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa tatlo, umalis sila sa kanilang kampo para mag-charge ng kanilang mga cellphones at magpunta sa bayo nang maganap ang masaker noong Sabado ng gabi.

Nakarinig na lang anila sila ng mga putok ng baril at umabot ng halos 30 minuto ang pamamaril.

Pagbalik ng tatlo sa kanilang kampo ay nakita nila ang siyam na kasamahan na patay na.

Hindi naman masabi ng mga nakaligtas kung sino ang nasa likod ng masaker.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.