Ikatlong taon ng pait ipagdiriwang ng isang theater group

Ipinagdiriwang ngayong buwan ng grupo ng mga monologo ang kanilang ikatlong anibersaryo.

Sa third anniversary show ng Ampalaya Monologues na pinamagatang #Bitt3rd, itatanghal ang sampung magkakaugnay na monologo.

Tema ng pagtatanghal ang dalawang uri ng tao, ang nag-iinom at ang dahilan nito at ang mga manonood, ay tiyak na mapapatanong sa kanilang mga sarili kung sino ba sila sa dalawa.

Kabilang sa mga magtatanghal ang mga beteranong monologista ng Ampalaya Monologues na sina Mark Ghosn, Janine Lloce, Abe Herma, at Ristichen. Naroon din ang mga isang taon na sa grupo na si Justinne Punsalang.

Mapapanood din sa #Bitt3rd ang mga bago ngunit promising na mga miyembro ng Ampalaya Monologues na sina Jerome Dawis, Raffy Reyes, Rai Dela Cruz, Borj Uriarte, at Gerone Baladhay. Guest artist din si Sofia Medina.

Bukod sa sampung magkakaugnay na mga piyesa ay ibabahagi rin ng mga spoken word artists na sina Antonio Bathan Jr., Carlo Hornilla, Maimai Cantillano, at Beverly Cumla ang kanilang mga talento.

Ipatitikim din sa #Bitt3rd ang bagong proyektong ginagawa ni Mark Ghosn na pinamagatang 100 Monologo na itatanghal naman nina Zuela Herrera at Sonson O., na isa rin sa miyembro ng Ampalaya Monologues.

Magaganap ang #Bitt3rd Anniversary Show sa October 27, Sabado sa ganap na alas-7:30 ng gabi sa Green Sun Makati.

Read more...