Makati RTC Branch 148 naglabas na ng resolusyon sa kaso ni Trillanes

By Den Macaranas October 22, 2018 - 04:02 PM

Inquirer file photo

Naglabas na ng desisyon si Makati Regional Trial Court Branch 148 Judge Andres Soriano kaugnay sa kasong kudeta na kinakaharap ni Sen. Antonio Trillanes sa nasabing korte.

Pasado alas-tres ng hapon ng lumabas si Sheriff Edmund De Javing sa sala ni Judge Soriano at tumango nang tanungin ng mga miyembro ng media kung may inilabas na bang resolusyon ang hukuman.

Tumanggi naman ang nasabing opisyal na sabihin kung ano ang desisyon ni Judge Soriano.

Nauna nang sinabi ni De Javing na kailangan munang maipa-alam sa mga partido na sangkot sa kaso ang desisyon bago ito ilabas sa media.

Ang kasong kudeta ay isang non-bailable offense na nag-ugat sa pagkakasangkot ni Trillanes sa naganap na Oakwood Mutiny.

Makaraang lumabas ang ulat ukol sa paglalabas ng desisyon ng korte ay kaagad namang lumabas sa Makati Police Office ang convoy ng mga sasakyan na sinasabing patungo sa gusali ng Senado.

Ipinaliwanag ni Makati City PNP Chief Rogelio Simon na mula sa Makati RTC ay ihahatid sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang kopya ng resolusyon at maging sila ay hindi pa alam ang laman ng desisyon ni Judge Soriano.

Nauna dito ay naghain ng petisyon sa hukuman ang DOJ para sa paglalabas ng hold departure order at arrest warrant laban kay Trillanes.

Nag-ugat ito sa pagkansela ng pangulo sa naunang amnesty na ibinigay sa mambabatas.

TAGS: andres soriano, duterte, kudeta, Makati RTC, trillanes, andres soriano, duterte, kudeta, Makati RTC, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.