Panelo iwas muna sa pagiging “fashionista” sa Malacañang news briefings

By Chona Yu October 22, 2018 - 03:23 PM

Iiwasan na ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pagsusuot ng mga glamorosong damit tuwing mayroong press briefing sa Malacañang.

Paliwanag ni Panelo, gaya ng isang abogado na humaharap sa korte, kailangang magsuot ng mga naayong damit gaya ng coat and tie.

Bagama’t magbabago na ng style ng pananamit ang kalihim, tiniyak naman nito na tuloy pa rin ang kanyang pagporma lalo na tuwing weekend o walang trabaho.

“Kumbaga, kung humaharap ka sa korte, kailangan iyong suot mo ang dapat mong isuot. Eh kapag weekend naman eh ganoon pa rin iyong suot”, pahayag ng kalihim.

Matatandaang makailang beses nang pinupuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang istilo ng pananamit ni Panelo.

Halimbawa na lamang ang pagsusuot ng Barong na walang pang ilalim na T-shirt, pagsusuot ng mga tattered o punit punit na maong na pantalon na kahalintulad ng mga teenager, pagsusuuot ng mga matutulis na sapatos at paggamit ng mga “bling-bling” at malalaking mga singsing.

TAGS: bling bling, duterte, fashion statement, Malacañang, panelo, bling bling, duterte, fashion statement, Malacañang, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.