Makabagong health service target ni dating Sec. Go

By Den Macaranas October 22, 2018 - 02:45 PM

Inquirer file photo

Kumpletong health service at makabagong mga ospital ang tututukan ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sakaling palarin siya sa pagtakbo sa Senado.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Go na nakita niya ang malaking pangangailangan ng mga Pinoy sa maayos na health service sa bansa.

Bagaman wala na sa pamahalaan ay nangako ang dating opisyal na tuloy ang kanyang pagbibigay ng tulong sa publiko dahil na rin sa suporta ng kanyang mga kaibigan.

Sinabi rin ni Go na mula sa pagiging “special assistant to the president” ay handa siyang gampanan ang pagiging “special assistant to the people” kapag siya’y nahalal sa Senado.

Ipinaliwanag rin ni Go na itataguyod niya ang mga legislative measure ng pamahalaan base sa mga naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Umapela rin siya sa publiko na ituloy ang suporta sa war on drugs ng pamahalaan dahil seryoso sa kanyang kampanya ang pangulo.

TAGS: bonmg go, duterte, health serice, sap, Senate, bonmg go, duterte, health serice, sap, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.