Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi nababahala ang palasyo sa hakbang ng IPU.
Hamon ni Panelo sa IPU, tiyakin lamang na magiging patas ang gagawing imbestigasyon.
Bukod dito, sinabi ng kalihim na hindi dapat na balewalain ng IPU ang mga dokumento at mga ebidensya laban sa dalawang kritiko na ngayon ay nakalatag na sa iba’t ibang mga korte.
Payo pa ni Panelo sa IPU, huwag munang pangunahan ang ginagawang imbestigasyon ng mga korte sa Pilipinas para hindi magbigay ng anomang impresyon sa mata ng publiko.
Iginiit pa ni Panelo na wala nang saysay ang pagtungo pa sa bansa ng IPU official mission kung sarado na ang isip ng mga ito at kumbinsido nang may nangyayaring persecution.