Planong imbestigasyon ng Inter-Parliamentary Union sa political persecution sa bansa tanggap ng Malakanyang

By Chona Yu October 22, 2018 - 12:25 PM

Welcome sa Malakanyang ang ipadadalang Official Mission ng Inter-Parliamentary Union para imbetigahan ang sinasabing political persecution laban sa mga kritikio ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Senator Leile de Lima at Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi nababahala ang palasyo sa hakbang ng IPU.

Hamon ni Panelo sa IPU, tiyakin lamang na magiging patas ang gagawing imbestigasyon.

Bukod dito, sinabi ng kalihim na hindi dapat na balewalain ng IPU ang mga dokumento at mga ebidensya laban sa dalawang kritiko na ngayon ay nakalatag na sa iba’t ibang mga korte.

Payo pa ni Panelo sa IPU, huwag munang pangunahan ang ginagawang imbestigasyon ng mga korte sa Pilipinas para hindi magbigay ng anomang impresyon sa mata ng publiko.

Iginiit pa ni Panelo na wala nang saysay ang pagtungo pa sa bansa ng IPU official mission kung sarado na ang isip ng mga ito at kumbinsido nang may nangyayaring persecution.

TAGS: Inter-Parliamentary Union, Radyo Inquirer, Salvador Panelo, Inter-Parliamentary Union, Radyo Inquirer, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.