Dating mayor sa Camarines Sur patay sa aksidente

By Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2018 - 11:24 AM

Patay ang dating mayor sa bayan ng Milaor sa Camarines Sur sa aksidente na naganap sa bayan ng Ragay.

Nangyari ang aksidente sa Andaya National Highway Lunes ng madaling araw na ikinasawi ni dating Mayor Andre Hidalgo.

Nasugatan naman sa aksidente ang incumbent vice mayor ng Milaor na si Senen Bermas, 50 annyos at driver ng sasakyan na si Vincent Claro.

Sa inisyal na imbestigasyon, bumangga muna sa steel barriers ang sasakyan at saka ito nahulog sa bangin.

Galing Maynila at pauwi na ng Milaor ang grupo nang mangyari ang aksidente.

TAGS: accident, camarines sur, Milaor, Radyo Inquirer, Ragay, accident, camarines sur, Milaor, Radyo Inquirer, Ragay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.