LOOK: Liloan, Cebu sister city na ng Davao City

CDN Photo

Isang kasunduan ang nilagdaan para i-adopt ng Davao City ang bayan ng Liloan sa Cebu bilang ‘sister city’.

Ang paglagda sa kasunduan ay ginawa sa Panphilo Frasco Memorial Sports Complex sa Liloan na dinaluhan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Liloan Mayor Christina Garcia-Frasco.

Sa ilalim ng kasunduan, mag-uugnayan ang Davao City at ang Liloan sa mga government project.

Ayon kay Mayor Sara, nais nilang maipatupad din sa Liloan ang mga magagandang proyekto sa Davao City lalo na ang mga tungkol sa edukasyon.

Kasabay ng paglagda sa kasunduan, namahagi din si Mayor Sara ng scholarship certificates sa nasa 3,500 mag-aaral sa Liloan.

Read more...