Pangulong Duterte bibisita sa mga nasawing magsasaka sa Sagay City

By Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2018 - 10:48 AM

Planong puntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasawing magsasaka sa masaker sa Sagay City sa Negros Occidental.

Ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go sa panayam ng Radyo Inquirer, bukas planong magtungo ng pangulo sa Sagay City.

Nais aniya ng pangulo na personal na alamin kung ano ang nangyari sa Sagay City kung saan siyam na manggagawa sa isang tubuhan ang namatay nang pagbabarilin habang naghahapunan.

Bago ito, pupuntahan muna ng pangulo ang tatlong nasawi at nasugatang pulis sa pananambang sa Camarines Sur.

“Tulad nung nangyari sa Naga recently po may inambush na mga pulis doon, in fact pupuntahan po ito ng pangulo bukas. At meron pong mga farmers naman na napatay sa Negros at plano ring puntahan ng pangulo bukas kaagad at titignan niya kung ano po ang nangyari,” ayon kay Go.

TAGS: bong go, farmers, Negross Occidental, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, sagay 9, sagay city, bong go, farmers, Negross Occidental, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, sagay 9, sagay city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.