Nagkasa ng kilos protesta ang iba’t ibang militanteng grupo para kondenahin ang masaker na naganap sa Hacienda Nene at ikinasawi ng siyam na mga magsasaka.
Ang protesta ay isinagawa ng mga grupong National Federation of Sugar Workers, Anakpawis, Bayan Muna, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at iba pang grupo.
Isinagawa ang protesta sa headquarters ng Armed Forces of the Philippines sa Quezon City.
Sigaw ng mga militante “Stop Killing Farmers” at “Katarungan para sa Sagay 9”.
Nais ng mga militanteng grupo na magkaroon ng independent na imbestigasyon sa nangyari at ayaw nilang ipaubaya lamang sa PNP at AFP ang pagsisiyasat.
MOST READ
LATEST STORIES