PNP may tatlong tinitignang anggulo sa pagpatay sa 9 na magsasaka sa Negros Occidental

CTTO

Tatlong anggulo ang tinitignan ng Philippine National Police (PNP) na posibleng motibo sa pagpatay sa siyam na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental.

Ayon kay Police Regional Director John Bulalacao ng PNP Region 6, hindi pa nila natutukoy ang suspek sa krimen.

Gayunman, tatlong ang kanilang iniimbestigahan, una ay ang posibleng pag-hire ng killers ng may-ari ng lupain na inokupa ng mga bitkima.

Ikalawa ay ang posibleng kapwa claimants din ng mga biktima ang nasa likod ng krimenat ikatlo ang posibleng pag-atake ng NPA.

Ayon kay Bulalacao, may mga nakitang armas sa pinangyarihan ng krimen at may indikasyon na nagpaputok din ang mga biktima.

Ipapasailalim na aniya sa paraffin test ang mga nasawi para matukoy kung may tutugma sa mga narecover na baril.

Una rito, sinabi ng hepe ng pulis sa Sagay City na ilang testigo ang may itinurong dati ring magsasaka na ngayon ay itinuturing na person of interest.

Read more...