Mga pamilyang magbabakasyon sa Undas, pinag-iingat ng PNP
Pinayuhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko na maging alerto para sa nalalapit na paggunita ng Undas.
Ayon kay NCRPO chief Director General Guillermo Eleazar dapat maging maingat ang publiko lalo na kung sila ay magbabakasyon at iiwanan nila ng ilang araw ang kanilang mga bahay.
Paalala ni Eleazar, dapat tiyaking secured at naka-lock ng maayos ang pintuan ng bahay, mas mainam din aniya kung maglalagay ng alarm system.
Magiging long weekend kasi ang paggunita ng Undas dahil ang Nov. 1 at 2 ay natapat ng Huwebes at Biyernes at dikit sa weekend.
May payo din si Eleazar sa mga bibisita sa mga sementeryo sa paggunita ng Undas.
Dapat aniyang tumalima sa mga ipinatutupad na regulasyon lalo na sa pagdadala ng mga bawal na gamit.
Unang sinabi ng NCRPO na aabot sa 3,000 mga pulis ang ipakakalat sa mga sementeryo sa Metro Manila para magtiyak ng kaayusan at seguridad sa Undas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.