Tatlong manlalaro ng NBA suspendido matapos ang gulo sa laban ng Lakers at Rockets

By Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2018 - 08:40 AM

AP Photo

Pinatawan ng suspensyon ng pamunuan ng NBA ang mga manlalarong sangkot sa gulong naganap sa laban ng Los Angeles Lakers at Houston Rockets noong Sabado o Linggo ng umaga oras sa Pilipinas.

Sa naging desisyon ng NBA, suspendido ng apat na game si Brandon Ingram at tatlong game si Rajon Rondo kapwa mula sa Lakers.

Habang dalawang game naman ang suspensyon ni Chris Paul ng Rockets.

Sa kasagagan ng game, apat na minuto na lang ang natitira sa 4th quarter nauwi sa gulo ang ibinigay na foul ni Ingram kay James Harden.

Nakita sa video na dinuraan ni Rondo sa mukha si Paul bilang ganti nag-dirty finger si Paul kay Rondo.

Nauwi na sa suntukan ang gulo sa pagitan ng dalawa, at nakisali si Ingram at nagpakawala pa ng isang malakas na suntok kay Paul.

TAGS: Brandon Ingram, Chris Paul, Houston Rockets, Los Angeles Lakers, NBA, Rajon Rondo, Brandon Ingram, Chris Paul, Houston Rockets, Los Angeles Lakers, NBA, Rajon Rondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.