CPP founding chair Jose Maria Sison hinamon ng Malakanyang na suportahan ang kapayapaan sa bansa

Photo credit: Joma Sison’s Facebook account

Hinamon ng Malakanyang si Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison na suportahan ang isinusulong na kapayapaan sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, “walk the talk” o hindi lang dapat puro salita ang dapat na gawin ni Sison kundi dapat may kaakibat na aksyon.

Pahayag ito ng Malakanyang matapos sabihin ni Sison na mistulang sinusuhulan ng pangulo ang mga miyembro ng New Peopels Army nang hikayatin nito ang mga rebelde na magsisuko at lumahok sa nalalapit na eleksyon.

Ayon kay Panelo, nakakadismaya na ang sunud-sunod na pag-atake ng rebeldeng grupo sa tropa ng pamahalaan.

“We have been dismayed in numerous occasions over their opportunistic attacks amid the ongoing peace talks. We therefore challenge Mr. Sison, as well as his forces on the ground, if they truly believe in him, to walk the talk and support the President’s call for conciliation towards the nation’s quest for just, sustainable and enduring peace in our motherland,” ani Panelo.

Bago pa man aniya isulong ang ano mang uri ng usaping pangkapayapaan dapat munang magpakita ng sinseridad ang rebeldeng grupo na handa na itong magbaba ng armas at magbalik loob sa pamahalaan.

“The CPP/NPA/NDF must first demonstrate genuine sincerity for the resumption of talks. The government cannot sit with their leaders in the same negotiating table while the latter’s armed comrades are fraudulently committing criminal acts and bringing harm to our people. These include the ambushing of our armed forces and innocent civilians while enforcing their so-called revolutionary taxes and destroying the properties of individuals or entities who refuse to give in to their orders,” dagdag pa ni Panelo.

Read more...