Pag-masaker sa mga magsasaka sa Negros Occidental isinisi ng Bayan Muna sa pamahalaan

By Justinne Punsalang October 22, 2018 - 01:18 AM

Sa pamahalaan at militar isinisi ni Bayan Muna chairman at dating Representative Neri Colmenares ang pamamaslang sa siyam na mga magsasaka sa Sagay City Negros Occidental.

Sa isang pahayag, sinabi ni Colmenares na ang pinagsasakahang lupa ng mga biktima ay isang land cultivation area (LCA) na naunang inakusa ng militar bilang communal farm ng New People’s Army (NPA).

Ngunit ani Colmenares, hindi ito totoo sapagkat ang usapin tungkol sa mga lupain ay tunay na nangyayari sa mga kanayunan. Aniya, pamamaraan lamang ito ng administrasyon upang tuldukan ang anumang protesta sa pamamagitan ng pag-criminalize sa mga hiling ng magsasaka.

Ayon pa sa dating mababatas, maging ang secretary general ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura at Negros Federation of Sugar Workers (NFSW) na si John Milton “Butch” Lozande ay sinisisi ang pamahalaan sa pagkamatay ng kaniyang mga miyembro.

Hiling ni Colmenares na magkaroon ng impartial na pagsisiyasat tungkol sa masaker. Aniya, hindi sila titigil hangga’t walang natatamasang hustisya para sa siyam na mga magsasaka.

Samantala, mariin ding kinundena ng grupong Karapatan ang pamamaslang.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng grupo na nais nilang magsagawa ng sariling imbestigasyon tungkol dito Commission on Human Rights (CHR).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.