BRP Tarlac balik-bansa na ngayong araw

By Rhommel Balasbas October 22, 2018 - 03:08 AM

Matapos ang higit dalawang linggong makasaysayang pagbisita sa Vladivostok, Russia at Jeju Island Korea ay balik-bansa na ngayong araw ang BRP Tarlac LD-601.

Ayon kay PN Spokesperson Jonathan Zata, isang arrival ceremony ang inihanda para sa BRP Tarlac kasama ang 300-man contingent nito sa Pier 15, South Harbor, Maynila mamayang alas-1:00 ng hapon.

Matatandaang bumisita sa Russia ang naval ship noong October 1 hanggang 6 at noong October 12 naman sa Jeju.

Layon ng port visits na ito na maipakita ang commitment ng PN sa pagtaguyod sa multilateral cooperation at mapalakas pa ang pakikipagkaibigan sa mga hukbong pandagat ng ibang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.