Amihan season posibleng magsimula na ngayong linggo
Posibleng ngayong linggo na magsimula ang northeast monsoon season o Amihan season.
Ibig sabihin, asahan na ang mas malamig na panahon.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, mayroong silang namataang mga senyales na ang amihan ay paparating na kabilang ang presensya ng high-pressure area sa China.
Bukod sa extreme northern Luzon ay nakakaapekto na rin sa ngayon ang northeasterly windflow sa ilang bahagi ng Southern Luzon kabilang ang Batangas, Quezon, Bicol at MIMAROPA region.
Wala naman namamataan ang PAGASA na sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.