Keith Urban binisita ang isang taga-hanga sa ospital

English family

Tinupad ng country singer na si Keith Urban ang pangarap ng isa niyang batang taga-hanga matapos niya itong bisitahin sa ospital.

Mapapanood sa isang video na ibinahagi ni Kristi Coe Frederick sa Facebook ang pagharana ni Keith kay Marissa English.

Kasalukuyang naka-confine sa Mercy Health St. Vincent Medical Center sa Ohio, USA ang 25 taong gulang na si English dahil sa iba’t ibang mga sakit, kabilang na ang cyst sa kanyang utak, severe scoliosis, at cerebral palsy.

Nagtungo sa ospital si Keith isang gabi bago ang kanyang nakatakdang concert sa Huntington Center sa Toledo, Ohio.

Kwento ng ina ni English na si Marlise, masugid na taga-hanga ni Keith ang kanyang anak. At bagaman tila lumalala na ang kundisyon ng kanyang anak ay nakita niyang sumaya ito dahil sa pagbisita ng kanyang idolo.

Ang mga nurse sa ospital ang nagsimula ng online campaign upang bisitahin ni Keith si English at ayon kay Marlise, hindi niya inaasahang darating ang singer dahil busy ito.

45 minutong nanatili sa tabi ni English si Keith, kung saan kinantahan pa niya ito ng ilan sa mga awiting itatanghal niya sa kanyang concert.

Read more...