18 katao patay sa pagdiskaril ng tren sa Taiwan

By Justinne Punsalang October 22, 2018 - 01:27 AM

AP

Nasawi ang 18 pasahero, habang sugatan naman ang 160 iba pa matapos madiskaril ang isang tren sa Taitung, Taiwan.

Ayon kay Ministry of National Defense spokesperson Chen Chung-chi, 366 na mga pasahero ang sakay ng Puyuma Express Train nang bandang alas-4:50 ng hapon nang matanggal sa riles ang tren.

Ani Chen, bumaligtad ang harapang bagon dahilan upang maipit sa loob ang mga pasahero na nagdulot ng kanilang agarang pagkamatay.

Batay sa mga litratong kuha mula sa lugar, makikita na nag-zigzag ang tren malapit sa riles nito. Limang mga bagon pa ang tumagilid.

Hindi pa batid kung ilan ang kabuuang bilang ng mga pasaherong na-trap sa loob ng tren, ngunit nagpapatuloy ang pagkuha ng mga otoridad sa mga bangkay at mga nakaligtas.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa naganap na aksidente. Ang Puyuma Express Train ay anim na taon pa lamang at isa sa pinakamabilis na tren ng Taiwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.