Residential area tinupok ng apoy sa Caloocan City

By Justinne Punsalang October 22, 2018 - 04:20 AM

Contributed photo

Nasunog ang isang residential area sa bahagi ng Barangay 8, Dagat-dagatan, Caloocan City.

Ayon kay Special Fire Office 1 Ferdinand Santos ng Caloocan City Fire Department, sumiklab ang sunog pasado ala-1 ng madaling araw.

Agad na itinaas sa ikatlong alarma ang sunog dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy dahil gawa sa mga light materials ang mga kabahayan sa lugar, lalo na’t informal settlers ang nakatira dito.

Bagaman iniimbestigahan pa ang tunay na sanhi ng pagliliyab, hinala ng mga residente na sumiklab ang sunog dahil sa naiwang nakasinding kandila sa loob ng isang abandunadong bahay.

Anila, madalas kasi itong ginagawang sugalan ng mga kabataan sa lugar. Wala rin umanong kuryente ang naturang bahay.

Tinatayang nasa 30 kabahayan ang tinupok ng apoy, kung saan nasa P200,000 ang kabuuang pinsalang dulot nito.

Sa ngayon ay pansamantalang manunuluyan sa barangay covered court ang mga apektadong residente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.