Masayang ipinakita ni Bianca Gonzales-Intal ang kanyang 38-week baby bump.
Sa kanyang personal Instagram account, ibinahagi ng actress-host na excited na siya sa pagdating ng kanyang ikalawang anak na babae na papangalanang Carmen.
Ngunit sa hiwalay na post sa kanyang social media ay sinabi ni Bianca na bagaman excited na siya para sa kanyang bagong anak ay nagiging emosyonal siya sa tuwing maiisip na mababawasan o mahahati na ang kanyang oras sa kanyang panganay na anak na si Lucia.
Humingi pa nga ito ng tips sa kanyang mga followers at taga-hangang mga nanay din kung paano mabalanse ang oras sa pagitan ng kanyang dalawang anak.
Tatlong buwan na lamang ang hihintayin bago ipanganak si baby Carmen, habang tatlong taong gulang naman na si Lucia.