Isang taong ulan bumuhos sa Qatar sa loob ng isang araw

AFP

Malawakang pagbaha ang nararanasan ngayon sa Doha, Qatar matapos bumuhos dito ang halos isang taong ulan sa loob lamang ng isang araw.

Dahil sa flash flood ay maraming mga kalsada sa bansa ang hindi madaanan. Maging ang mga kabahayan ay pinasok ng tubig at nagsarado rin ang mga paaralan at tindahan.

Samantala, nagbabala ng mga opisyal sa Qatar, huwag dumaan sa mga tunnel dahil sa pagbaha.

Sarado rin ngayong araw ng Linggo ang embahada ng Estados Unidos sa lugar.

Batay sa report, ang average annual rainfall ng Doha ay 77mm ngunit sa isang araw na pag-ulan ay umabot ito sa 61mm.

Nakararanas din ngayon ng problema ang air traffic sa lugar.

Kaya naman diverted ang ilang mga biyahe ng Qatar Airways, na isang malaking problema dahil ang kanilang mga karatig-bansa gaya ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, at Bahrain ay hindi pinapayagang dumaan ang mga eroplano ng Qatar sa kanilang airspace.

Dahilan ito upang ma-divert sa Kuwait at Iran ang kanilang mga biyahe.

Read more...