Isang opisyal ng DND pinauuwi ang mga rebelde sa Pasko

By Justinne Punsalang October 21, 2018 - 05:54 PM

Kasunod ng paghimok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na magbaba ng armas at magbalik-loob sa pamahalaan, hinimok din ng isang opisyal ng Department of National Defense (DND) ang mga rebelde na umuwi ngayong Pasko.

Sa isang pahayag, sinabi ni Defense Undersecretary Reynaldo Mapagu na siyang chairperson ng Task Force Balik-Loob (TFBL) na sana ay tanggapin ng mga miyembro ng NPA ang offer ng pamahalaan na trabaho at pabahay.

Ito aniya ay upang makasama nila ang kanilang mga pamilya.

Paliwanag pa ng opisyal, ang ayudang ibibigay ng pamahalaan ay personalized sa kani-kanilang mga pangangailangan.

Hinimok pa nito ang mga dating rebelde na maging kaisa ng pamahalaan sa pagtamasa ng progreso at kapayapaan sa bung bansa sa pagiging “peaceful members” ng komunidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.