Mandatory drug testing sa 2019 poll candidates, dapat amyendahan ang konstitusyon – Panelo

By Chona Yu October 21, 2018 - 01:13 PM

Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na kailangang amyendahan muna ang konstitusyon kung ipipilit na isalang sa mandatory drug test ang mga kakandidato sa national level sa 2019 elections.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na malinaw ang naging desisyon ng Kataas-taasang hukuman na tanging ang mga kandidato sa lokal na posisyon lang ang obligado na sumalang sa drug test habang voluntary naman sa mga kakandidato sa national level.

Hindi naman kasi aniya maaring labagin ang konstitusyon para lamang mapagbigyan ang hirit ng iilan na isalang sa drug test ang mga kandidato.

TAGS: 2019 elections, mandatory drug test, Presidential spokesman Salvador Panelo, 2019 elections, mandatory drug test, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.