Pagsasara ng mga kumpanya, banta lang para makaiwas sa dagdag sahod – labor group

By Ricky Brozas October 21, 2018 - 12:24 PM

Pawang pagbabanta at pananakot lang umano ang malawakang tanggalan sa trabaho at pagsasara ng mga establisimyento upang makaiwas ang mga kumpanya sa pagbibigay ng dagdag-sahod sa kanilang mga empleyado.

Ito ang sinabi ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), araw ng Linggo.

Ginawa ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay ang pahayag matapos i-anunisyo ng labor group na babaguhin nila ang kanilang P320 petition wage patungo sa P344.

Ayon kay Tanjusay, may opsyon ang mga kumpanya na maghain ng “exemption” kung talagang hindi nila kaya na ibigay ang naturang umento sa suweldo.

Ang rebisyon ng wage hike petition sa P344 ay ginawa ng grupo ng mga obrero matapos pumalo sa 6.2 percent ang inflation sa ikatlong kwarter ng taon.

Paliwang ni Tanjusay, ang P320 hike petition na kanilang isinumite noong Hunyo ay nagpapakita sa kondisyon noon ng ekonomiya sa unang kwarter ng taon.

Aniya, kaya nila ito binago dahil nitong Setyembre ay mas lalo pang tumaas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.

TAGS: Alan Tanjusay, ALU TUCP, petition wage, Alan Tanjusay, ALU TUCP, petition wage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.