Mga tatakbo sa 2019 elections, bahala na kung sasalang sa drug test – Panelo
Bahala na ang mga kandidato sa national level sa 2019 elections kung ayaw sumalang sa drug test.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na may ruling na ang Supreme Court na voluntary lang ang drug test sa mga kandidato sa national level habang mandatory naman sa local candidates.
Ayon kay Panelo, ang taong bayan na ang huhusga sa mga kandidato na ayaw magpa-drug test.
Kapag kasi pumalag ang isang kandidato sa drug test, tiyak na agad nang magdududa ang mga botante. Maari kasi aniyang may itinatago ang isang kandidato kung kaya ayaw sumalang sa drug test.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.