JaMaychal Green, sumailalim sa surgery dahil sa nabaling panga

By Angellic Jordan October 21, 2018 - 10:24 AM

AP photo

Sumailalim sa surgery ang Memphis Grizzlies power forward na si JaMaychal Green para ayusin ang nabaling panga.

Sa anunsiyo ng Grizzlies, hindi makakasama sa laro si Green ng apat hanggang anim na linggo.

Nasiko ang mukha ni Green sa kasagsagan ng laro kontra sa Atlanta Hawks noong araw ng Biyernes.

Nakapagtala pa ng 6 points at 5 rebounds si Green sa loob ng 14 minuto.

Bago ang injury sa panga, nagkaroon pa ang manlalaro ng pamamaga sa kaniyang kaliwang tuhod at balikat sa NBA preseason.

Dahil dito, nabakante ang No. 4 spot sa starting lineup ng koponan dahilan para mapasok si Jaren Jackson Jr.

TAGS: JaMaychal Green, Memphis Grizzlies, NBA, JaMaychal Green, Memphis Grizzlies, NBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.