Thai internet sensation Mader Sitang, bumisita sa Pilipinas

Photo credit: Facebook/สิตางศุ์-บัวทอง

Dumating na ang Thai internet sensation na si Mader Sitang sa Pilipinas.

Nasa bansa si Sitang para sa kaniyang meet-and-greet kasama ang mga tagahangang Pilipino.

Dahil dito, nag-ikot na rin ang 59-anyos na viral sensation sa iba’t ibang kilalang lugar sa Maynila.

Nakita pang sumaludo si Sitang sa Luneta Park at sumakay sa kalesa sa Intramuros.

Naaktuhan din ito na nagbigay ng P500 sa isang mag-ina habang nag-iikot sa Maynila.

Si Sitang ay isang transgender na abogado at nakilala sa kaniyang “head throw” dance videos.

Read more...