9 na miyembro ng labor union, patay sa pamamaril sa Negros Occidental
(Updated) Patay ang siyam na miyembro ng isang labor union na kaalyado ng Bagong Alyansang Makabayan matapos pagbabarilin ng ilang armadong lalaki sa Negros Occidental, Sabado ng gabi.
Ayon kay Negros Occidental police director Sr Supt. Rodolfo Castil, aabot ng 40 na armadong lalaki ang umatake sa mga biktima bandang 9:30 ng gabi.
Ang mga biktima ay miyembro ng National Federation of Sugar Workers.
Hindi pa rin alam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga gunmen.
Kinilala naman ang mga biktima na sina Eglicerio Villegas, 36-anyos; Jomarie Ughayon Jr., 17-anyos; Marchtel Sumicad, 17-anyos; Angelipe Arsenal, Dodong Laurencio, Morena Mendoza, Necnec Dumaguit, Bingbing Bantigue at isang nakilala lamang bilang Pater.
Sa inisyal na imbestigasyon, inokupa umano ng mga ito ang isang pribadong lupain sa Hacienda Nene na pag-aari ni Carmen Tolentino sa bahagi ng Purok Fire Tree sa Barangay Bulanon.
Dalawa sa siyam na biktima ay mga menor de edad habang dalawa ang kababaihan.
Sinabi naman ni Castil na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.