Mga party sa Boracay, hindi ipinagbabawal ng DENR
Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi tuluyang ipinagbawal ang pagsasagawa ng party sa Boracay Island.
Ayon kay DENR Undersecretary Sherwin Rigor, ang ilang ipinatupad na polisiya ay ipinapataw sa beachfront areas lang.
Maari pa rin aniyang magsagawa ng party at iba pang beach activities basta’t ito ay gagawin sa loob ng establisimyento o malayo sa baybayin.
Layon aniya ng mga polisya sa ilang aktibidad at istraktura na protektahan at panatilihin ang maganda at malinis na tubig at buhangin ng tourist destination.
Ilan sa mga ipinagbabawal itayo sa baybaying pasok sa 25.5 meter-easement area ay ang stage, lamesa, upuan, massage beds, payong souvenir shops at food stalls.
Tatanggalin rin ang ilang nakakabit na electric lights at wires.
Dagdag pa nito, epektibo ang polisiya sa White Beach Stations 1, 2 at 3 maging ang Puka, Ilig-Iligan at Bulabog beach.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.