44-anyos na lalaki, patay matapos pagsasaksakin sa Olongapo

Pinagsasaksak ang isang 44-anyos na lalaki ng kaniyang katrabaho sa isang building sa Subic Bay Metropolitan Authority sa Olongapo City, Sabado ng hapon.

Sinaksak umano ni Nesito Patino, 61-anyos, ang biktimang si Albert Aganoga sa Seaport Building Room 109 dakong 2:20 ng hapon.

Ayon sa pulisya, parehong checker sa seaport area ang dalawa.

Kumuha umano si Patino ng kutsilyo at inatake si Aganoga dahil sa mainit na pag-aaway.

Nasa kustodiya na si Patino ng Olongapo City Police Station 3.

Read more...