World population, posibleng madagdagan ng 2.2 bilyon sa 2050
Posibleng lumobo pa ng karagdagang 2.2 bilyon ang populasyon sa buong mundo sa taong 2050.
Sa “The State of World Population 2018” report ng United Nations Population Fund (UNFPA), inaasahang mahigit kalahati nito o 1.3 milyon ay magmumula sa sub-Saharan Africa.
Ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng fertility rate na naturang lugar.
Sakaling magkatotoo ng prediksyon, aabot ang kontribusyon ng Africa sa world population ng 17 percent sa 2017 at 26 percent naman sa 2050.
Sa ngayon, mayroong global population na 7.6 bilyon.
Ang high fertility ay nangangahulugan ng pagtaas na bilang ng mga kabataan sa bansa na makaapekto pagdating sa kalidad ng edukasyon, health care at ekonomiya.
Sa isang pahayag, sinabi naman ng UNFPA sa Pilipinas na ito ang ikalawang sa pinakamalaking nasyon sa 10 bansa na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa kasalukuyan, halos kalahati sa populasyon ng mga Pilipino ay nasa edad 24 pababa.
Nagsimula tumaas ang fertility rate sa Pilipinas noong 2000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.