Jackpot prize sa US Mega Millions, aabot na sa $1.6B

AP photo

Walang nanalo sa huling lotto draw ng US Mega Millions lottery, Sabado ng gabi.

Dahil dito, pumalo na sa $1.6 billion ang jackpot prize para sa Mega Millions contest.

Sa huling lotto draw, makikita ang mahahabang pila sa mga gas station at convenience store para magbakasali sa premyo.

Ang huling pinakamalaking single jackpot na $758.7 million ay napanalunan ni Mavis Wanczyk, 53-anyos mula sa Massachusetts.

Ito ay mabibili sa 44 na US states, maging sa district of Columbia at sa Virgin Islands.

Read more...