3 patay, 3 nakaligtas sa pagguho ng lupa sa Baguio

By Angellic Jordan October 21, 2018 - 06:56 AM

Patay ang tatlong construction worker habang tatlong iba ang nakaligtas makaraang matabunan ng gumulong lupa sa Baguio City, Sabado ng madaling-araw.

Unang nailigtas ang tatlo sa anim na construction worker ngunit nang gumamit ng back hoe ay nagkaroon ng pangalawang landslide.

Dito na tuluyang natabunan ang tatlong nasawi sa insidente.

May edad 18 hanggang 31 ng mga biktima na nagmula sa Panganisan at Nueva Ecija.

Tumagal naman ng dalawang oras bago narekober ang bangkay dahil sa humarang na hollow block.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naghuhukay ang mga ito para sa pundasyon ng riprap ng bahay nang mangyari ang aksidente.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang may-ari ng bahay ukol sa pangyayari.

TAGS: baguio, landslide, baguio, landslide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.