Duterte: Mga importer ng droga yayariin ko kayo
Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa tapos ang war on drugs ng kanyang administrasyon dahil patuloy pa rin ang pagpasok ng droga sa bansa.
Ang magandang balita lang ay wala na ang mga drug laboratories sa Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa Davao City kahapon, sinabi ng pangulo na kabilang ang shabu ng Bamboo triad at cocaine ng Mexico sa mga drogang ibinebenta ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa.
“Don’t underestimate me. I already warned you. Kamong mga importers ana, yayariin ko talaga kayo,” dagdag pa ng pangulo.
Kasabay nito ay muli siyang nagbigay ng banta sa mga sangkot illegal drug trade na tumigil na sa kanilang mga gawain dahil determinado umano siyang patayin ang mga ito.
Nagbabala rin ang pangulo sa mga opisyal ng militar, pulisya at pamahalaan na sangkot sa droga na itigil na ang kanilang mga iligal na gawain kung ayaw nilang mapahamak sa nagpapatuloy na kampanya ng pamahalaan.
Muli rin niyang binatikos ng ilang human rights group dahil mas inuuna daw nila ang karapatan ng mga drug dealers kesa sa mga biktima ng iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.