Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang evaluation ng mga pangalan ng mga naghain ng kani-kanilang mga certificate of candacy para sa 2019 midterm elections.
Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na uunahin nilang isasalang sa evaluation ang mga naghain ng kandidatura para sa pagka-senador.
Gustong alamin ng komisyon kung kwalipikado at seryoso ba ang mga ito sa kanilang pagtakbo sa halalan.
Bagaman marami naman sa mga nagsumite ang COC ang nagpapansin lang ay kailangan pa ring idaan sa pag-aaral ang kakayahan ng iba pang mga naghain ayon kay Jimenez.
Sisilipin rin ng Comelec ang kakayan ng isang kandidato na makapaglunsad ng isang nationwide campaign para sa mga kandidato sa pagka-senador at partylist representatives.
Sa nakaraang limang araw na filing ng COC ay umaabot sa 152 ang bilang ng mga gustong maging senador samantalang umabot naman sa 185 ang naghain na partylist groups.
Ang mga maidedeklarang “nuisance” ay bibigyan ng pagkakataon na idedepensa sa pagdinig ang kanilang mga argumento kung bakit dapat silang payagang tumakbo sa halalan.
Sa Disyembre ilalabas ng Comelec ang official list ng mga kandidato sa pagka-senador at partylist groups na papayagang sumabak sa halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.