$1-B jackpot sa Mega Million lottery sa U.S

By Jimmy Tamayo October 20, 2018 - 09:33 AM

AP

Binalot na rin ng Lotto fever ang Amerika makaraang umabot sa record breaking na $1 Billion ang jackpot prize sa US Mega Millions lottery.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na umabot ng ganito kalaki ang jackpot sa nasabing lottery.

Ang Mega Millions ay mabibili sa 44 na US States, maging sa District of Columbia at sa Virgin Islands.

Huling bola nito ay noong martes kung saan umabot ng $667 Million ang papremyo pero walang nakakuha sa lucky six numbers at ngayong araw (Biyernes sa U.S.) ay nakatakda itong bolahin.

Mula noong Hulyo ay wala pang nanalo sa Mega Millions at kung wala pang mananalo ay aabot na ito ng $1.6 Billion.

Noong nakaraang linggo sa Pilipinas ay umabot din sa higit isang bilyong piso ang jackpot prize sa 6/58 Ultra Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Dalawa naman ang nanalo sa jackpot na mula sa Samar at Albay at paghahatian ang higit sa P1 Billion.

TAGS: Jackpot, lottery u.s, mega million, Jackpot, lottery u.s, mega million

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.