Piso bahagyang nakabawi sa weekend trading

By Den Macaranas October 20, 2018 - 09:07 AM

Inquirer file photo

Bahagyang tumaas ang halaga ng Piso sa pagsasara ng kalakalan kahapon.

Sinabi ng ilang financial experts na nakatulong dito ang pagbaba ng presyo ng petrolyo sa global trading.

Kahapon ay umabot sa P53.70 ang palitan ng US Dollar kontra Piso mula sa P53.97 noong Huwebes.

Sa nakalipas na isang buwan ay nagpatuloy ang pagbulusok ng Piso dahil sa malikot na presyo ng petrolyo sa world market.

Inaasahan rin na patuloy ang pagsigla ng Piso sa mga susunod na linggo dahil sa pagpasok ng remittances mula sa mga Overseas Filipino Workers ngayong panahon ng kapaskuhan.

TAGS: BUsiness, dollar, ofw, oil, philippine peso, remittances, BUsiness, dollar, ofw, oil, philippine peso, remittances

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.