Duterte muling nag-alok ng pabahay at trabaho sa mga susukong NPA

By Den Macaranas October 20, 2018 - 09:03 AM

Inquirer file photo

Muling nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines –  New People’s Army (CPP-NPA) sa mga kabundukan na sumuko na at magbalik loob sa pamahalaan.

Sinabi ng pangulo na tutumbasan niya ng pabahay at trabaho ang gagawing pagsuko ng bawat miyembro ng NPA.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang talumpati sa Davao City kahapon.

Nauna nang sinabi ng pangulo na magiging localized ang kanilang gagawing pakikipag-usap sa mga rebeldeng grupo at hindi na ito idadaan pa sa grupo ni CPP founding  chairman Jose Maria Sison

Ayon sa pangulo, “I’m not fighting with you and I don’t want to kill you, but I don’t know about you. But we are really friends. Your underground movement will not amount to anything. But I am ready to accept you if you surrender. Bring your firearms, give it to me, and I will give you a house and a job”.

Muli namang nanindigan ang pangulo na hindi na siya makikipag-usap sa liderato ng CPP-NPA dahil ginagamit lamang ng mga ito ang kanilang mga ordinaryong miyembro para sa kanilang personal na interes.

TAGS: CPP, Davao City, duterte, NPA, Sison, CPP, Davao City, duterte, NPA, Sison

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.