VP Robredo, determinadong pagtuunan ng pansin ang kanyang programang ‘Angat Buhay’
Determinado si Vice President Leni Robredo na ibigay ang buo niyang atensiyon para sa kanyang programang ‘Angat Buhay’ na layong mabawasan ang kahirapan.
Sa kanyang naging talumpati sa Washington D.C., hindi siya magpapaapekto kahit siya pa ang pinakasinisiraan na opsiyal ng pamahalaan.
Aniya, hindi niya hahayaang siya ay maging spare tire lamang.
Si Robredo ay featured speaker sa isang leadership forum sa US.
Ito ay inorganisa ng Center for Strategic Studies (CSIS) Southeast Asia Program at ng U.S.-Philippines Strategic Initiative.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.