Hindi baba sa 50 katao, pinangangambahang patay sa pagsagasa ng tren sa mataong lugar sa India

By Rod Lagusad October 20, 2018 - 05:31 AM

Hindi baba sa 50 katao ang pinangangambahang patay matapos ang pagsagasa ng isang tren sa isang mataong lugar sa Northern India.

Ayon sa pulisya, ang mga taong nasagasaan ay nakaupo malapit sa riles ng tren.

Ang mga ito ay nanonood ng pagsunog sa mga effigies bilang bahagi ng Dussehra festival nang masagasaan sila ng
pampasaherong tren.

Hindi naman bababa sa 60 katao naman ang sugatan.

Ayon sa isang eyewitness, mabilis aniya ang takbo ng tren nang maganap ang insidente.

Nagpahatid na ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi sa naganap na aksidente.

TAGS: India, Train, India, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.